kadalasan ang pinakaunang tanong na tinatanong natin sa isang kaibigan o kakilala na matagal nang hindi nakita "KAMUSTA KA NA?"
isang simpleng tanong na ang kadalasang sagot "OK LANG". pero nararanasan mo rin ba na kapag tinatanong ka ng kamusta ka na, hindi mo alam kung ano isasagot at sa sobrang dami mong naiisip nag pinakamadaling isagot ay "Ok LANG" kahit sa totoo hindi naman talaga.
kung tutuusin naging pangkaraniwang tanong na lang ang "KAMUSTA KA NA?" sa daan, sa ym o sa text may magtatanong sa'yo na kung "KAMUSTA KA NA?" nakakatawang isipin na sa tuwing tinatanong ako nito hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. wala. nagiging blanko isip ko. kamusta na nga ba ako? mey reflection period pa talagang kailangan.
tama. ang pinakamadaling sagot sa tanong na to "OK LANG". mas maikli pa nga minsan, "K LANG". bakit nga ba? kasi kung matagal na kayo hindi nagkita masasabi mo ba talaga kung ano na ang tunay na lagay mo? parang ang weirdo tignan kung sa tagal na hindi kayo nagkita umiyak ka na ng umiyak sa kausap mo kasi hindi ka OK talaga. isa pang dahilan kung bakit "OK LANG" ang magiging sagot: laging may kasunod na "BAKIT?" kung isasagot mo na masaya ka, itatanong kung bakit. kung isasagot mo na malungkot ka, may kasunod din na bakit. walang masama di ba? pero sa tingin mo ba handa ka sabihin ang dahilan kung bakit ka malungkot o masaya sa mismong sandaling iyon? isa pa, baka sa haba ng dahilan at kwento mo kakailanganin ng mahabang panahon. paano kung nakasalubong mo lang sya sa daan habang papatawid ka na ang taong nagtanong kung "KAMUSTA KA NA?"
parte na ng kultura ng mga pilipino ang magtanong ng "KAMUSTA KA NA?" kahit sa mabilisang pagkakasalubong lang sa kalsada. kahit sa kindergarten, isa sa pinakaunang english sentence na matututunan ng bata ay "HOW ARE YOU?" at ang isasagot dito ay automatic na "I'M FINE, THANK YOU". siguro medyo 'uzi' kasi talaga tayong mga pinoy. ok na tayo kapag sinagot na tayo ng "OK LANG" kahit mas kumplikado pa ang tunay na sagot ng kinakamusta.
ngayong nagkikitakita ulit kami ng mga classmates ko nung high school, lagi ako natitigilan kapag may nagtanong na ng "KAMUSTA KA NA?" mahirap makakuha ng matinong sagot mula sa akin kung ganito. kung gusto mo talaga ng matinong sagot sa tanong na to, madali lang un. umupo ka sa harap ko at makinig. saka mo malalaman kung kamusta na nga ba talaga ako.
*sa totoo lang, "KUMUSTA KA NA?" dapat ang tanong, hindi "KAMUSTA KA NA?" karamihan naman nasanay na sa "KAMUSTA KA NA?" kaya un na lang ang ginamit ko dito.