May mga pagkakaibigan na bigla na lang umusbong. Umusbong na parang kabute. Sa una sobrang estranghero sa isa't isa. Walang pansinan, ni walang ngitian. Kahit siguro mamamatay ang isa sa inyo wala paring pakialamanan. (Huwag sana mangyari pero kung talagang mangyayari, masasabi lang siguro nung buhay, "Ay, iyon ba? Oo, kilala ko sya. Hindi ko lang maalala ang pangalan pero kilala ko un sa mukha.") Ganun pa rin ang takbo ng buhay mawala man ang isang taong kilala mo lang sa mukha.
Ngunit nakakatawa talaga ang buhay. O baka ang mundo ang nakakatawa. Biruin mo, maaaring ung tao na kilala mo lang sa mukha dati ay maging isang sobrang lapit na kaibigan mo na ngayon. Yung tipong hindi kumpleto araw mo kung hindi siya magfo-forward ng quote, o mag-text man lang. Yung tipo ng kaibigan na kapag nawala mahirap na ituloy pa ang buhay. Isang araw maitatanong mo na lang, "Paano ba tayo naging close?" Yung dating hindi mo pinapansin at mahirap pa na ngitian ay matalik na kaibigan mo na ngayon. Siguro nga nakatakda na magiging magkaibigan kayo. Tipong hindi pwedeng hindi mangyari. Hah. Mahiwaga talaga ang buhay.