introduction
Once a pro-writer wannabe, but due to some certain circumstances, I became a full-time Nursing student.
A part-time business woman who loves to cook, to read, and of course, to write.
disclaimer
read first
This is my emotional outlet. Read... and bear with it.
Tuesday, May 15, 2007 @ 2:34 AM
Maraming bagay ang nasa isip pero walang maisulat.Gusto ko sana sumali sa writing contest na un. Gusto ko -magsulat ng maituturing ko na obra. Katulad ng dati. Ngunit sa pagkakataong ito, parang pakiramdam ko isang ilog na natuyo na ang isipan ko. Naalala ko tuloy ang isa sa mga speaker sa maraming lecture ng napakinggan ko na. Tama siya. ang isang manunulat ay magaling lang kapag tuloy tuloy ang buhos ng mga ideya. Ngayon, nakaharap ako sa computer. Maraming ideya ngunit walang maisulat.Dahil nga contest, syempre nais ko rin na manalo. Ngunit paano ako mananalo nito kung wala akong maisasaling piyesa. Tingin ko hindi sapat ang mga nais kong isulat, na sa totoo ay hindi ko rin gusto. Haay. Magulo na siguro ang isip ko. Isa lang ang kailangan ko para makapagsulat: INSPIRASYON.