Siguro may mga nilalang talaga na maswerte. Parang hindi sila apektado sa hirap ng buhay. Hindi talaga sila apektado. Yun na yun. Halimbawa na lang si Paris Hilton. Kahit anong gustuhin niya pwede niyang makuha. Ipinanganak na siya na mayaman, maganda, at sikat. Kahit aso may sariling alahas, damit at tulugan. S***! Maraming bata sa kalsada ang walang maayos na damit. Maraming pamilya ang walang tahanan. Milyon-milyon ang nagugutom sa buong mundo. Bakit naging ganito ang mga pangyayari. Kung ang mga katulad ni Paris Hilton ay makaisip na magbigay ng donasyon sa mga mahihirap na bansa, siguro kahit papaano mababawasan ang mga paghihirap ng mga tao. Nakakatawa talaga ang mundo.