sana hindi na lang sya nagsalita o binati ako.
sana naging suplado na lang sya di ba para hindi na nabago pagtingin ko sa kanya nang mga oras na yun.
tignan mo nga naman...matagal din kami hindi nagkita. walang balita sa isa't isa. kung may komunikasyon man, sandali lang ang oras na nakalaan. matagal ko sya hindi nakita para magulat ako (at kabahan?) nang nakita ko sya kanina sa simbahan at nakasabay sa jeep. gusto ko ang pananamit nya ngayon. gusto ko rin ang ayos ng kanyang buhok. hindi tulad dati na laging alinsunod sa patakaran ng eskwelahan ang haba at gupit ng buhok. sa aking paningin naging "cool" na sya ngayon. sa porma, sa tindig at lalo na sa buhok.
maaari ko na masabi sa sarili ko na may gusto na ako sa kanya sa sandaling iyon.
ngunit nagbago ang lahat nang binati nya ako sa nang makita ako. sya pa rin pala ang dati kong kilala. nakakatawa. ngunit naisip ko rin hindi sa tagal na naming hindi nakita, hindi na namin kilala ang isa't isa. hindi tulad dati na sobrang lapit talaga namin sa isa't isa. naaalala ko pa dati, sabay kami sa pagpasok at pag-uwi. hindi matapos tapos ang aming mga kwentuhan na kadalasan ay tungkol sa mga aralin. natatandaan ko pa nga lagi kami nag-aaway. laging may debate. pero hanggang salita lang naman. wala akong naaalala na nagkasaman talaga kami ng loob.
tatlong taon kami nagkasama. siya ang naging personal tutor ko. magaling naman talaga kasi sya. walang asignatura ang mahirap para sa kanya. at ginagawa nyang madali ang lahat para sa'kin. siya na rin ang tagasundo at hatid sa akin sa mga araw na walang pasok at walang service. siya ang lagi kong kasama sa library, sa canteen o sa paglalakad lakad tuwing uwian habang hinihintay ang pagdating ng service. totoong madami kaming pinagsamahan.
ang hindi ko talaga malilimutan ay siya ang unang naniwala na may kakayahan ako magsulat. at dahil sa kanya, nagawa ko ang isang sulatin na maituturing kong isa sa pinakamaganda kong ginawa.
bakit kasi kailangan pa sya mawala? akala ko magiging magkaibigan kami nang matagal. kahit papaano, ayoko mang aminin, namiss ko din naman sya. sa totoo nahirapan ako noong nawala na sya. wala na kasi akong personal tutor.
maibabalik pa ba ang dating samahan?