introduction
Once a pro-writer wannabe, but due to some certain circumstances, I became a full-time Nursing student.
A part-time business woman who loves to cook, to read, and of course, to write.
disclaimer
read first
This is my emotional outlet. Read... and bear with it.
FEAR FOR THE SECOND CHANCE
Wednesday, May 7, 2008 @ 6:44 PM
After 24 hours or so, I suddenly remembered what I what to remember. For a change I will be using a different medium. Sayang lang ang pagiging manunulat sa tanging lathalain ko noong hayskul. Hindi ako taga-hanga nila John Lloyd at Bea. Pero pinapanood ko ang mga pelikula nila. Sa TV man o sa sinehan. Ang huli kong napanood ay ang "One More Chance". Maganda, pero sa totoo lang hindi naman masyadong nakaapekto sa akin. Bakit ako maaapektuhan ng mga ganong kwento eh walang dahilan para maapektuhan ako. Siguro yung kasama ko pa. Pero hindi talaga ako. Gwapo lang talaga si John Lloyd sa aking paningin. Sa totoo lang, wala namang kinalaman sina John Lloyd at Bea sa iniisip ko. Naalala ko lang sila dahil konektado sa title ng "One More Chance" sa iniisip ko. Parang ganun kasi buhay ko, "One More Chance". Hindi ko ito hiningi; kusang ibinigay. Hindi ko alam kung bakit. At dahil dun minsan nasasaktan ako. Naisip ko lang:
"Kung binigyan ka ng pangalawang pagkakataon, hindi ka lang dapat matuwa at magpasalamat. Higit pa doon ang dapat mong maramdaman. Hindi ba dapat ka rin makadama ng takot? Matakot sa pangalawang pagkakataong ibinigay sa iyo dahil hindi mo alam kung bakit ka binigyan nito. Kung ano ang dahilan. Maswerte ka kung alam mo ang sagot. Paano kung hindi? At paano ung sa maling dahilan pala kaya ka binigyan ng pangalawang pagkakataon?"
Akala ko noon nasagot ko na ang bagay na 'to. Hindi pa pala. Gaya ng ang nasabi ko na, mas mahaba pa pala ang paglalakbay na ito kaysa sa inaasahan. Minsan naiisip ko parang mas maganda pa siguro na hindi na ko binigyan ng pangalawang pagkakataon. Mas maigi pa yata iyon para hindi ko na naramdaman ang sakit at ang saya. Para tahimik na lahat. Bakit pa kasi ako ang binigyan ng pagkakataon kung meron pa namang mas kailangan nito... Marami pa akong tanong at hindi ako mauubusan ng tanong sa loob ng dalawang oras. Higit pa siguro kung mayroon talagang sumasagot sa mga tanong ko. Pero wala eh. Hintayin ko na lang ang panahon na magkikita na kami ni El Supremo para itanong ko lahat ng tanong ko.*Gumawa nga pala ako ng pitchi pitchi ngayon. Unang beses ko. Ginawa ko un sa traditional way kaya ang sakit ng mga kamay at braso ko. Ok lang, nag-enjoy naman ako. Buti naman masarap ung naging resulta. Lasang pitchi pitchi.