Last day of summer vacation...Maraming plano ang hindi nangyari. Hanggang drawing lang. Pero ano naman ngayon? Marami din naman ang nangyari at nagawa ko ng hindi ko inaasahan.
Mamaya maya aalis na ako dito sa bahay. Hindi ko na maaabutang dumating ang mga kapatid ko. Nag-aalala na ako para sa kanila. Mamaya kasi wala na ang hapunan na masarap. Pabalik na dito si Ate Beth. At pabalik na din sila sa mga luto ni Ate Beth.
Hay.Kumapara sa isang cycle, parang ganun kasi lutuin ni Ate Beth. Oo nga at walang reklamo sa kasipagan niya pero pagdating sa pagluluto, iilan lang kasi ang alam ni Ate Beth na lutuin. Ayaw niya ung mga
"patcham" (pachamba). Gusto nya lahat ng lulutuin niya sigurado ang pangalan.
Alam ko kahit hindi nila sabihin, alam ko ngayon mamimiss talaga ako ng mga kapatid ko. =))
Kaya bilang pagpapaalam, gumaawa ako ng leche flan. :D
*****
Official start of classes na bukas. Gigising na naman ng maaga at late na naman ang pagtulog.
Kahit pasimula pa lang ang summer vacation, marami na akong nababasang blog entry mula sa mga ka-batch ko tungkol sa magiging situation sa 3rd year.
Med surg, pharma, OB at Pedia abnormal, patho-physio at kung anu-ano pang subjects na sabi nila mahirap.
Siguro nga mahirap talaga.
Pero ano naman ngayon? Syempre 3rd yr na so mas mahirap na talaga. Hindi yan dadali. Medyo nakakainis nga eh. Bakit kasi wala pa nga pinoproblema na nila agad yun. Hindi nila alam tinatakot lang lalo nila mga sarili nila. Kung takot talaga sila, bakit hindi sila maging handa? Kung magrereview sila kahit papaano, bawas na takot nila.
Ewan ko pero parang ayos lang sakin kung ano man ang dumating. Lalo na ngayon na hindi naman mahalaga sa nanay ko na Dean's Lister ako. So what kung mahirapan ako? Normal lang yan. Maramirami akong kakilala na higher batch na nahirapan din pero so far humihinga pa rin naman sila. Sabi nga,
"What can't kill you will make you stronger".Kaya kung ano man ang magiging pahirap ngayong semester o ngayong taon:
sige lang.
Sabi ko pa naman sa sarili ko bago magbakasyon, pagdating ng May magbabasa-basa ako ng mga libro ko. Review lang ba. Pero dahil tinamad ako at iba ang mga binasa ko, ok lang na hindi ako nakapag-review.
Masaya naman ako. Ang inaalala ko lang eh ilang oras kaya maitutulog ko lalo na tuwing tuesday at Wednesday 1pm pa simula ng duty. Hindi ko kasi kaya matulog ng matagal kahit sobrang puyat pa.
Isa pa rin pala sa mga inaalala ko: paano ko pa mapagbibigyan ang mga hilig ko sa pasukan. Lalo na kapag inatake na ako ng katam. Masama ito. Tsk tsk tsk.
*****
Parang magandang i-quote dito line ng napanood kong movie kailan lang.
"Bring it on, b*tch!"
*Kumontra pangit. =))
Labels: life, school