Dahil sa wala na akong magawa, nanghiram na ko ng DVDs kay Jane. Oo. Puro Korean movies ang mga hiniram ko. (Wala din naman choice dahil Korean movies lang meron si Jane. Un ang alam ko.) At eto na nga. Kasama sa mga hiniram ko eh tong "My Little Bride". Grabe, laughtrip. Pramis. Nakakatuwa ung story. Nahihiya man akong aminin pero kinilig ako dito. Hahaha. Dati ko pa napapanood ung leading guy sa "Attic Cat". In short, crush ko nga sya. Hehehe. Habang Pinapanood ko tong movie na to, parang gusto ko tuloy ganito love story ko. LOL. Joke lang un 'no.
Rating: 4 out of 5 stars (wala lang ang dahilan.)